π·πΈπΉ πΉπΈπΆ
This is one of my earlier works written in my birth country's vernacular (Tagalog) that was published in our school newspaper sometime around 2004. As such, this work may contain some inconsistencies and hints of childish idealism. We ask for your indulgence. Enjoy reading.
π·πΈπΉ πΉπΈπΆ
“Nakikita mo ba ang mga paru-parong ‘yon, Sum?” tanong
ni Herei nanng minsang naglalakad kami sa may hardin ng bahay nila. Nandoon
kasi si Kuya kaya nandoon rin ako kasi wala akong kasama sa bahay. “Oo naman,”
sagot ko. “Ang gaganda nila ‘di ba? Parang mga maliliit na bahaghari.”
“You’re right. At mas marami pa sila ‘pag kalagitanaan
ng summer. Kaya nga gusto ko ang pangalan mo eh…Summer.”
Matalik na kaibigan ni kuya Lemuell si Herei. Mula
kinder magkasama na sila kaya nga parang magkapatid na ang turing niya sa’kin
lalo pa’t nag-iisang anak lang siya. Pero ako hindi. Ayoko siyang maging
kapatid dahil…
“Herei, bakit gusto mo ng mga paru-paro?” tanong ko sa
kanya. Nagtataka ako. Ang alam ko, madalas babae ang namamangha sa mga paru-paro,
sa kanilang kagandahang ‘di matutumbasan.
“Bakit gusto ko sila? Dahil sila ang nagpapaalala
sa’kin ng mga magagandang pangyayaring naganap sa aking buhay. Dahil sila ang gumigising
ng kasiyahang minsan ko ng nadama…”
Kasiyahan? Sa mga paru-paro? Bakit ko kakailanganin pa
ng paru-parong magbibigay sa akin ng kasiyahan kung malapit ka naman sa
‘kin? Ikaw lang ang kailangan ko para
maging masaya.
“Rei! Iwanan mo na nga yang rabbit na yan! Kung hindi,
‘di matatapos yung project natin!” sigaw ni kuya mula sa loob ng bahay.
Nakakainis siya! Ako nalang ang alam niyang asarin.
“Hindi ako rabbit! Palibhasa kasi, ikaw gurang na
butiki.”
“Anong hindi rabbit? Tignan mo nga yang ngipin mo! Ang
laki-laki! Pang-rabbit na pang-rabbit.” Tapos ay bigla siyang humalakhak ng
pagkalakas-lakas.
“Tama na nga yan! O sige papasok na ‘ko—gurang na
butiki!”, nakabungisngis niyang sambit sa kuya ko. “O, diyan kana muna
‘rabbit’, papasok na ako sa loob baka lamunin na ‘ko ng kuya mo!”
“Herei! Isa ka pa! Unggoy!” ganti ko sa kanya.
Alam kong narinig niya ang sinabi ko, pero hindi na
siya lumingon. Sa halip ay iwinagayway ng lamang niya sa langit ang lahat. Ay
Herei…ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko ay ang makilala ka.
Magandang alaala. Mga paru-paro.
Bakit ba kailangana bumalik sila? Babalik kung kailan
hinihiling mong umalis na sila at nais mo nang magpakalunod sa kalungkutang
iyong nararamdaman. Sa kalungkutang dumurog sa aking puso. Sa kalungkutang na
tanging katotohanang iniharap sa akin ni Herei…
“Hello?”
“Hey Summer, are you free tonight?”
“Herei? Am I free tonight? Siyempre naman! Ako pa?!”
“Good!” masaya niyang sagot, “Pwede ka ba mamaya?”
Hindi ako makapagsalita sa aking marinig. Si Herei,
niyayaya akong lumabas? As in date? “Sandali lang ha… Ikaw ba talaga si Herei?
O nagkamali lang ako ng pagkilala sa boses mo? O kaya naman ikaw ang nagkamali
ng tinawagan?” Hindi ako makapaniwala. Maaring may pagkakamali.
“Siyempre ako si Herei! My God Sum, magkakilala na
tayo since four ka pa lang… Hindi mo parin ako kilala?” nagtatampong sambit
niya.
Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa sinabi
niya.
“Manumbat ba raw! Nahihiwagaan lang ako sa ‘yo’t anong
masamang hangin ang dumapo sa ‘yo at inimbita mo ‘ko?”. Gusto kong magkunwaring
walang kapararakan ang tanong na iyon, ngunit sa loob ng puso ko, kinakabahan
ako. Gusto kong ang dahilan…
“Wala lang… Tutugtog kasi kami mamaya. Kasama ko ang
kuya mo! ‘Lam ko naman kasing ‘di nun sasabihin sa ‘yo eh, kaya ako na yung
nagyaya…” Biglang naging malumanay ang boses niya, “Ano pupunta ka?”
Gusto kong isigaw sa kanya ang sagot ko, Siyempre
pupunta ‘ko no! Pero ang sinagot ko, “Mmhh… siguro… baka… magrereview pa ako
eh…” para maitago ang sobrang kasiyahan ko sa paanyaya niya. Dahil pa nga doon
eh nagkakulitan pa kami hanggang sa bandang huli ay umoo na rin ako na siya
naman talagang sagot ko una pa lang…
Masaya talaga kami noon. Madalas nga kaming magkasama
ni Herei. Pati si kuya sinasabing magiging kami raw. Ganoon din ang tingin ko.
Pero si Herei, tahimik lang. Nagpapramdam pero wala naman sinasabi.
Akala ko okay lang… akala ko naghihintay lang siya ng
tamang pagkakataon… hanggang sa ipakilala niya sa ‘kin si Arlene.
“Summer, meet Arlene. Arlene, Summer, kapatid ko…”
nakabibiglang pagpapakilala sa ‘kin ni Herei. Kapatid?
“You’re lying! Hindi mo naman ako kapatid ah.” bigla
kong naisagot. Bakit kailangan pa niya akong ipakilalang kapatid? Kung hindi
naman?
“Sa totoo lang Arlene, “ nakangiti niyang sabi.
“Parang kapatid ko na siya. mula pagkabata magkakilala na kami dahil parang
kapatid ko na rin ang kuya niya.” Nakabakas sa mukha ni Arlene ang pagkapanatag
sa sinabi ni Herei. Gusto ko pang awayin si Herei pero napigil ko dahil nga may
bisita siya at ayaw kong maging bastos.
Nagpakilala ako ng maayos kay Arlene kahit sa loob-loob
ko itanong sa kanya kung magkaanu-ano sila. Nag-usap-usap kami. Nagkuwentuhan,
kumain, nag-usap. Pagkatapos ay naisaboses ang sagot sa hindi ko naisatinig na
tanong.
“Sum, alam mo parang kapatid ka na talaga sa akin ‘di
ba?” Tumango ako, “So gusto kong ikaw ang unang maka-alam… Summer ikakasal na
kami ni Arlene…”
Limang salita.
Ikakasal na kami ni Arlene.
Nasira ang lahat ng magagandang alaala. Umalis na ang
mga paru-paro kasabay ang paglisan ng tag-araw.
Nasaktan ako. Bago pa ako mapaiyak sa sama ng loob sa
harap nila, dali-dali akong tumayo at umalis. Sa aking pag-alis, naiwan ang
aking puso sa lugar na ‘yon. Umalis ako na ang tanging bitbit ko ay ang aking
dignidad ngunit wala na ang aking mahal.
Alam ko sinundan niya ako. Hinabol. Ngunit mabilis akong
nakaalis. Ilang beses din niya akong pinilit na kausapin noon ngunit lumalayo
ako. Ayoko ng masaktan uli. Hindi ko na kaya.
Ikinasal sina Herei at Arlene. Kahit wala ako.
Masakit.
Matapos noon, nagpakalayu-layo ako. Sumama na ako kay
mama sa Ireland. Tuluyan ko ng iniwan ang aking puso.
‘Di nagtagal nalaman kong namatay na si Herei. Lalong
nawasak ang buhay ko sa nangyari. Lalo’t ako pala ang dahilan…
“Naka-inom siya no’n Sum. Sinabi rin ni Arlene na
nagsimula daw magkaganon si Herei nang malaman niyang umalis ka na. Ikaw talaga
ang mahal niya Summer…”
‘Yun ang sinabi ni Kuya Lemuell sa ‘kin. ‘Yun ang naging dahilan ng pagguho ng
aking mundo. Na naging dahilan ng nangyayari ngayon.
“I repeat. Summer Murenza, do you accept Romwll O’Shyre
as your loving husband? In sickness and in health, for richer or for poorer,
‘till death set you apart?”
Hindi ako nakasagot agad. Sa aking puso, si Herei pa
rin. Ngunit kailangan ko ng magpaalam sa mga paru-paro. Pagkat sa kanilang
paglisan, kasabay na rin ang aking pamamaalan sa mga alaala ni Herei…
“I do.”
-END-

No comments:
Post a Comment